Aired (August 23, 2025): Nagsimula sa maliit na taya si Sherwin at agad nanalo. Pero mabilis din itong natalo! Sa pagnanais na mabawi ang natalong pera, umutang siya mula sa iba’t ibang online lending apps. Araw-araw, ilang maniningil ang dumadayo sa kanyang computer shop. <br /><br />Isang call center agent din ang naipit sa parehong sitwasyon – umabot sa mahigit ₱500,000 ang kanyang utang. Sa kanyang day-off, hindi siya nagpapahinga kundi namamasada ng motor taxi, hindi para kumita ng dagdag, kundi para may ipambayad sa bisyo. Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook
